Nakakalungkot isipin na sa Pilipinas ay maraming nagugutom, maraming walang trabaho, at marami ang walang alam at kulang sa edukasyon. Ang gobyerno natin, kaya pa ba lutasin ito?

Marami naman pwedeng gawin tulad ng paggawa ng Online Games. Ang Korea ay isa sa mga tulad nating third-world country na bagsak ang ekonomiya. Pero nagkakaroon sila ng chance dahil naging trend, lalong lalo na sa mga kabataan ang Online Games tulad ng Ragnarok Online, Silkroad Online, RF Online, Perfect World Online, Flyff, Grand Chase, Crazy Kart, at FreeStyle (Published by Level Up! Games Incorporated).

Ran Online ay isa sa mga sikat na Laro, kasama nito ang Cabal Online, Granado Espada, Audition, Supreme Destiny, Nostale, O2Jam, ZX Online at Supreme Destiny (Published by E-games Philippines).

Halos lahat ng nilalaro na Online Games ngayon ay gawa sa Korea.

Sa pagkakaalam ko may mga game companies din sa Korea na kumukha ng outsourcing dito sa atin sa Pilipinas. Marami tayong magagaling na programmers at graphics desingers ay pinagtya-tyagaan nila ibigay ang talent nila sa ibang bansa dahil walang availability sa atin ng ganyan trabaho. Ang iba pa nga nangingibang bansa pa nga.

If we only look further deep inside our own capabilities, the Pearl of the Orient Seas might shine again.